Nang Ako'y Iniwan Mo
(Sheralyn L. Marzon)
Nang ako'y iwan mo,
Puso ko 'y nadurog,
Na saan, ang pangako
Bigla na lang naglaho.
Ako'y umasa
Pintua'y isinara
Ngayo'y mag-isa.
Salamat Sayo, Mahal Kong Kaibigan
(Jangelb T. Boiser)
Mahal kong kaibigan
Tumigil man ang orasan
Ika'y 'di iiwan
Sa problemang dadaan.
Sayang hatid mo
Pagkasama'y ligaya
Salamat sayo.
Kaibigan
(Fea Kristine P. Pacquiao)
Siya ay laging nariyan,
Mapagkakatiwalaan.
Ang aking kailangan,
Na aking kaibigan.
Ang kaibigan,
Ibinigay ng Diyos,
'Wag pabayaan.
Pagbabago
(Rhyxon D. Mamugay)
Si Pangulong Duterte,
Totoong ating susi.
Dapat siyang pakinggan
Para sa kaunlaran.
Ang aking gusto,
Ay magkakatotoo,
Ang PAGBABAGO!
Ang Tanging Babae ng Buhay Ko
( Erickson C. Cale)
Nang ako'y isilang,
Sa mundong kinagisnan.
Pag-ibig ay namasdan,
Ito'y nanuluyan.
Ako'y hinulma,
Nang tamang-tama
Salamat aking Ina.
Umasa't Sawi
(Joseph Enric B. Dy)
'Pag puso'y bumugso
Hindi mapipigilan,
Mundo ay walang laban,
Sa damdaming umiibig.
Ngunit sa wari,
Pangako'y nilimut,
Umasa't sawi.
Pagbabago
(Rhyxon D. Mamugay)
Si Pangulong Duterte,
Totoong ating susi.
Dapat siyang pakinggan
Para sa kaunlaran.
Ang aking gusto,
Ay magkakatotoo,
Ang PAGBABAGO!
Ang Tanging Babae ng Buhay Ko
( Erickson C. Cale)
Nang ako'y isilang,
Sa mundong kinagisnan.
Pag-ibig ay namasdan,
Ito'y nanuluyan.
Ako'y hinulma,
Nang tamang-tama
Salamat aking Ina.
Umasa't Sawi
(Joseph Enric B. Dy)
'Pag puso'y bumugso
Hindi mapipigilan,
Mundo ay walang laban,
Sa damdaming umiibig.
Ngunit sa wari,
Pangako'y nilimut,
Umasa't sawi.
No comments:
Post a Comment