Wednesday, September 28, 2016

HAITANA (Haiku at Tanaga)

Sikap
(Shaira Hope Castillo)

Huwag balikan 
Ang mga nakaraan
bukas ang tingnan.

Magsikhay ng mabuti
Sa araw man o gabi
Hindi mamumulubi
Magbubuhay hari.


Pag-ibig
(Ken A. Sanico)

Diwa ko't puso
Ay para lang sa'yo
Pag-ibig ko'y totoo.

Dasal ko sa Bathala
Sana'y makapiling ka.
Sa luha ko at dusa
Ikaw ang aking sigla.


Sanay
(Jess Clarence I. Arreza)

Sanay na ako
ang maiwan at saktan
Palagi na lang.

Palaging ako
Ang sumasalo,
Nagpaparaya
oh aking mahal.

Pag-ibig Ko
(Mark kenneth G. Caminade)

Kahit bumagyo
O lindol at delubyo
Narito ako.

Pag-ibig ay seryoso
Pag walang natatalo
Matabay pa sa bato
Sa lahat ng delubyo.


Ang Taong Nalunod
( Rey Jason C. Moral)

Sa karagatan
May taong naliligo
At siya'y nalunod.

May taong nakakita
Isang taong mapayat
tumalon siya sa dagat
Pero nalunod siya.




No comments:

Post a Comment